Foreigner, namalimos na lamang matapos iwan ng kinakasamang pinay

Nais humingi ng tulong ng isang netizen matapos makita ang isang dayuhan na namamalaboy sa kanilang lugar, napag-alaman rin ng netizen na halos 3-taon na itong namamalagi sa parehas na establishimento namamalimos naraw ito at halos hindi na ito kumakain, ilang beses narin umano nito tangkain tapusin ang kaniyang paghihirap at palaging humihiling na ninanais na niyang makauwi sa kaniyang sariling bansa.

Saad ng ilang mga nakakakita dito at ilang mga vendor sa lugar iniwan raw ito ng dating kinakasamang pinay, at halos inubos raw ang ari-arian nito matapos makuha ang lahat ng nais ng kinakasama nitong babae nuon at halos maubos raw ang lahat ng yaman ng nasabing dayuhan ay iniwan naraw ito na parang basura.

Ang pangalan ng nasabing dayuhan ay si EAN SCOTT LAIRD, kaya’t naisipan ng netizen na ibahagi sa social media ang ilang mga kuhang larawan ni Ean Scott Laird upang matulaungan ito at maihatid sa embassy kung saang bansa man ito dapat makauwi, at binigyan rin niya ito ng kaunting makakain nais man niyang abutan ito ng malaking halaga ay wala siyang sapat na kakayahang makapag bigay, kung kaya’t sa social media nalamang niya ipinabatid ang kaniyang tulong upang mas marami pa ang tumulong sa nasabing dayuhan.

Facebook Comments