Jennica Garcia unfollows husband Alwyn Uytingco on Instagram; drops husband’s surname in her handle

Jennica Garcia changes her Instagram handle from @jennicauytingco to @jennicagarciaph weeks after breakup from husband Alwyn Uytingco.

PHOTO/S: Courtesy: @jennicagarciaph / @alwynzky on Instagram

Patuloy pa rin ang pagmu-move on ni Jennica Garcia sa hiwalayan nila ng asawang si Alwyn Uytingco.

Ilang araw na ang nakalilipas, tinanggal ni Jennica ang apelyido ni Alwyn sa kanyang Instagram handle. Mula @jennicauytingco ay ginawa niya itong @jennicagarciaph.

Kapansin-pansin ito ngayon dahil sa kasagsagan ng balitang hiwalayan nila, hindi tinatanggal ni Jennica ang apelyido ng estranged husband sa kanyang handle.

Continue reading below ↓

Sa huling post ni Alwyn sa Instagram noong June 29 lamang, @jennicauytingco pa ang naka-tag sa larawan ng nakahiwalayang asawa.

Nananatili namang naka-follow si Alwyn kay Jennica.

Continue reading below ↓

Pero ang aktres ay in-unfollow na si Alwyn sa Instagram.

Continue reading below ↓

Sa kanyang magkakasunod na posts noong Martes, July 20, sinabi ni Jennica na patuloy nilang pinagsisikapang maging magulang para sa kanilang mga anak.

Pinabulaanan din niyang muli silang nagkabalikan.

Ayon sa aktres, kahit hiwalay na sila ni Alwyn, nais nilang maging buo pagdating sa kanilang mga anak.

Hindi rin daw niya ipagdadamot ang dalawang bata sa kanilang ama.

Pahayag niya, “Magka pamilya man na iba si Alwyn in the future, ano man ang mangyari, hindi ko ipagdadamot ang mga anak ko sa Tatay Alwyn nila.

“I know that this statement might be difficult to understand para sa mga taong hindi pa pamilyado but this is the reality I now face.

“While Alwyn is doing his best to restore our family. I need time to heal. I need to keep my relationship to God first and foremost a top priority.”

Wala pang bagong post si Alwyn sa ngayon.

#news-disclaimer {
font-size: 16px;
font-style: italic;
text-align: justify;
}

Facebook Comments