Vin Abrenica, Aljur’s brother, asked if men really can’t resist temptations

Vin Abrenica disagrees with the idea that only guys cheat: “I think that’s unfair for guys or it’s not about… it’s not a matter of sex, biology, kung lalaki ka or babae ka.”

PHOTO/S: @vinabrenica on Instagram

Para kay Vin Abrenica, hindi katanggap-tanggap ang pangangaliwa ng isang lalaki sa kanyang karelasyon.

Katwiran ng Kapamilya actor, may choice ang isang tao kung magloloko siya o hindi.

Sa YouTube vlog ng engaged couple na sina Vin at Sophie Albert na may pamagat na “Questions We’ve Never Asked Each Other” noong July 18, tinanong ni Sophie si Vin tungkol sa pagtanggi ng mga lalake sa temptasyon.

Tanong ni Sophie kay Vin: “Do you really believe that men can’t resist temptation if temptation is there?”

Paniniyak ni Vin: “This is about cheating.”

Sundot ni Sophie: “They say that men cannot resist the temptation to cheat.”

Ang diskusyon na ito nina Vin at Sophie ay tila may kaugnayan sa kontrobersiyal na pahayag ni Robin Padilla sa isang interview.

Ayon kay Robin, “Sa panahon ngayon, huwag tayo maglokohan. Sa panahon ngayon, hindi ako naniniwala na merong lalaking makakatanggi sa tukso.”

Sinabi ito ni Robin nang kumpirmahin niyang hiwalay na ang kanyang anak na si Kylie Padilla at ang nakatatandang kapatid ni Vin na si Aljur Abrenica.

Continue reading below ↓

Pagsisiwalat pa ni Robin, “third party” sa parte ni Aljur ang dahilan ng paghihiwalay ng mag-asawa.

VIN: “IT’S A CHOICE.”

Sa vlog nina Vin at Sophie, sinabi ng kapatid ni Aljur na hindi dapat gawing dahilan na nadala sa tukso. May kakayahan daw ang tao para malaman kung ano ang tama at mali.

Saad ni Vin, “Pero yung nakakalimutan ng statement na ‘yan is, God gave us a choice and that’s His gift to humans, di ba, to man.

“Binigyan din Niya tayo ng choice to choose what’s right and what’s wrong.”

Hirit pa niya, “Yung taong cheater, will he always be a cheater all his life?”

Kung natutukso man daw ang isang lalaki, dapat makipag-usap ito nang masisinsinan sa kanyang partner.

Katuwiran ni Vin, “Well, if it’s not working in the first place, kapag hindi mo nakukuha ang gusto mo, why would you get something from other girls, di ba?

Continue reading below ↓

“Why not consult your partner first?

“Sabihin ko sa ‘yo, ‘This is what I want. Hindi mo mabigay? Then, okay, di mo mabigay sa ‘kin ‘yon, I think yung relationship natin might be at risk.’

“Then, kung makapag-agree kayo na at risk nga yung relationship, kung ayaw niyo pa rin ang isa’t isa, then at least you have a closure first. E, di, maghiwalay kayo.

“Then you do the stuff that you want to do, di ba? Choose.

“Then, at least, you’re not gonna cheat. But, at least, you’re gonna do what you want that can satisfy you.

“Yung pinakaano talaga sa akin, you have a choice. You always have a choice.”

Hindi rin daw fair na lalaki lang ang sabihang natutukso. Hindi raw dapat ibase sa gender kung sino lang ang natutukso.

Pahayag ni Vin, “Well, one, lahat naman is nate-tempt. Yung statement na hindi talaga makaka-resist yung guy, well, I think that is unfair.

Continue reading below ↓

“Meron talagang temptations na nangyayari sa atin. Parang, alam mo yon, it’s a choice.

“You chose to cheat or you chose to be tempted.

“I think that’s unfair for guys or it’s not about… it’s not a matter of sex, biology, kung lalaki ka or babae ka.”

#news-disclaimer {
font-size: 16px;
font-style: italic;
text-align: justify;
}

Facebook Comments