Watch | Toni Fowler at Rob Moya, Pinag-uusapan Ngayon sa Muli Nilang Pagkikita!

Muling nagkita ang dating magkasintahan na si Toni Fowler at Rob Moya. Malaki ang naging alitan nila kamakailan at kung matatandaan ay nakarating ang kanilang alitan sa programa ni Idol Raffy Tulfo. Nitong Hulyo 20 lamang ay inilabas ng Toni ang kanyang vlog sa kanyang Youtube Channel.

Sa unang parte ng video ay ibinahagi ng vlogger ang nangyari sa kanilang aso. Binanggit ni Toni na ang asong iyon ay pagmamay-ari talaga ni Rob na dati niyang kasintahan.

Ilang sandali lamang ay nagkita na ang dalawa at magkasabay nilang dinalaw ang aso sa veterinary clinic. Naging maayos ang usapan ng dalawa dahil nilinaw din ni Toni na nag-usap na din sila bago pa sila magkita at bago pa nila dinalaw ang aso.

Nagbibiruan pa ang dalawa at tila walang alitang nangyari sa kanila.

“Ako? Mahal mo pa ba?” pagbibiro ni Rob kay Toni. “Hindi naman mawawala yun, pero wala na tayong pagasa,” sagot naman sa kanya ni Toni.

Matapos naman nilang magpunta at dumalaw sa kanilang aso ay kumain sila sa labas at pinag-usapan kung ano ang magiging desisyon at kung ano ang makakabuti sa dalawang aso ni Rob. Binanggit din nila na aayusin nilang dalawa ang nasirang pagsasama ni Rob at sa anak ni Toni na si Tyronia.

Inamin nilang dalawa na hindi naging maganda ang nangyari sa kanila. Binalikan din nila ang mga masasayang panahon na masaya silang tatlo noong mga panahong wala pa sila sa industriya ng pag-vovlog.

Gayunpaman, ay marami ang hindi natuwa sa muling pagkikita ng dalawa. At may ilan naman sinusuprtahan ang dalawang vlogger.

Narito ang kabuuang video at panoorin:

Facebook Comments